TRAVEL BLOG: TRES REYES ISLAND MARINDUQUE

Naghahanap ka ba ng budgetarian travel goals? Halina at basahin mo ang aking TRES REYES ISLAND experience at baka malay mo magustuhan mong pumunta ay hindi ka maliligaw at kahit papano ay may kaalaman ka pa ukol dito.

Ang TRES REYES ISLAND ay matatagpuan sa MARINDUQUE ang gitna o puso ng Pilipinas kung tawagin, at matatagpuan naman sa distrito ng GASAN. Ito ay kilala sa tawag na tres reyes island ngunit ang original na pangalan nito ay GASPAR, BALTAZAAR, MELCHOR. Ayon pa sa mga matatandang katutubo ay bago daw magkaroon ng tres reyes island ay nagsimula ito sa tatlong prinsipe na magkakapatid at dahil sa hindi magandang panahon noon ay lumubog ang barkong sinasakyan nila at dito na nagsimula ang TRES REYES ISLAND.

Bago makarating sa isla na ito ay sasakay ka muna ng bangka sa bayan ng gasa, barangay pinggan. Ang bayad sa bangka ay umaabot lang sa halagang 500 pesos ito ay sulit na kung marami o pamilya kayo kung pupunta.

Pag narating muna ang bungad ng isla ay sasalubungin ka ng sariwa na hangin at maaliwas na paligid. Makikita mo rin ang sobrang linaw at kumikinang pa na tubig dito. Bago bumaba ng bangka ay mapapansin mo ang bungin dito ay hindi basta buhangin kundi mga maliliit na shells o bato na may halong kunting buhangin.

Ngunit dahil hindi pa ganon kaayos dito ay meron lamang itong mga iilan na kubo na maaraing rentahan sa halagang 100-200 pesos lamang. Dito ay maaring ilagay ninyo ang inyong mga dalang gamit at pagkain.

Talaga namang ang TRES REYES ISLAND ay worth it puntahan dahil ito ay budgetarian friendly at talagang mageenjoy ka habang nagliligo sa sobrang linaw na tubig nito. Habang pag low tide sa isla ay mayroong maliit na palad sand bar sa bandang unahan at kanang bahagi ng isla, ngunit sasakya ka ulit ng bangka upang pumunta doon dahil malakas ang agos ng alon kung ito ay lalanguyin mo lamang.

Sa likod naman ang isla ay mayroong mga ibang rock formations na talaga namang hahanga ka sa ganda at laki. Sa likod ng isla ay don mo mapapansin na talagang buhangin ang tatapakan ng iyong mga paa. Para saken ay sa likod ng isla nandon mo makikita ang totoong ganda, nakakabighani at nakakacurious din kahit papano.

Kaya kung gusto mong maranasan ang mga pakiramdam na ito ay puntahan na ang TRES REYES ISLAND sa PINGGAN, GASAN, MARINDUQUE.

PHOTO ESSAY : BALIKTANAW

Habang nagmumuni-muni naalala ko nong nakaraang taon kung paano nagsimula ang ating pagkakaibigan. Nagsimula tayong lahat sa pasimpleng ngiti, pasimpleng halakhak, pasimpleng tawanan at asaran, lahat pasimple pero ng lumipas ang mga araw, buwan, at taon ang ating mga simpleng gawa ay tuluyan ng nawalan ng pagkasimple at napalitan ng pagkabongga bongga asaran at tawanan.

Hanggang sa lumipas ang marami pang araw at buwan, patuloy na tumatatag ang ating pagkakaibigan. Kahit na maraming dumaang problema at tampuhan ang bawat isa ay patuloy na sumasabay sa agos ng ating mga buhay.

Ito na ang ating huling taon na magkakasama at patuloy parin tayong humahawak sa kamay ng bawat isa kahit na maraming tampuhan, bangayan, at hindi pagkakaunawaan ay sama sama parin nating lahat haharapin ang ating magandang kinabukasan.

Bilang isang General Academic Strand student matuto ka sa maraming bagay, pang akademiko o pang kapwa tao. Dahil ang GAS ay para sa mga estudyante na hindi pa sigurado sa kanilang tatahakin sa kolehiyo ay ito ang pinili naming strand, at hindi naman kami nagkamali sa pagpili dito. Bilang isang GAS student ay susubukin ang pasensya, kakayahan, at lahat ng meron ka. matuto kang lumaban pag alam mong tama ka at mali sila. higit sa lahat matuto kang umintindi at magpatawad sa mga taong nagkamali sayo.